Mahigit 90 lending mobile apps, iniimbestigahan na ng National Privacy Commission

Iniimbestigahan na ng National Privacy Commission o NPC ang 93 lending mobile apps dahil sa reklamong pamamahiya ng mga nangutang na miyembro nito.

 

Ayon kay NPC Chairman Raymond Liboro, nasa 422 ang naghain ng reklamo at 82 dito ang dinidinig na nila ngayon.

 

Dagdag pa ni Liboro, dito pa lamang sa Pilipinas ang ganitong uri ng lending apps at kapag hindi ka nakabayad o nadelay ang hulog. Sisimulan ka nang pahiyaim sa social media at magpapadala pa ng mensahe sa iyong mga contacts.


 

Sa isinagawa din imbestigasyon ng NPC, sobra-sobra ang hinihinging impormasyon ng mga lending apps kung saan siguradong maeengganyo ang ilang indibidwal sa mga inaalok na pautang.

 

Muli naman paalala ni Liboro na magdoble ingat sa pagbibigay ng personal na impormasyon dahil maaaring gamitin ito sa hindi magandang paraan tulad na lamang ng mga ipinahiyang ilang indibidwal na nangutang.

Facebook Comments