Mahigit 900 armas, isinuko ng MILF sa pamahalaan Pangulong duterte, may panawagan sa rebeldeng grupo

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isantabi ang pagkakaiba at iwasan ang pakikipag-away sa gobyerno.

Kasabay ito ng pagsusuko ng mga rebelde ng kanilang mga armas bilang bahagi ng peace treaty para wakasan ang deka-dekada nang “Separatist Insurgency” sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Sultan Kudarat kagabi, sinabi ng pangulo na wala namang may gustong magpatayan ang tropa ng pamahalaan at ang MILF.


Hindi rin aniya dapat malungkot ang MILF fighters matapos isuko ang kanilang mga armas dahil bahagi na sila ng gobyerno.

Kasabay nito, nangako ang pangulo na tutulungang makapagsimula ng bagong buhay ang mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan.

Nasa mahigit 900 armas ang isinuko kahapon ng mga MILF fighter.

Pagsapit ng march 2020, inaasahang aabot na sa 12,000 MILF fighters na 30% ng kabuuang puwersa nito ang susuko sa gobyerno.

Facebook Comments