Mahigit 900 na first-time voters ang nakapagparehistro na sa bayan ng Asingan mula nang magsimula ang voter registration ngayong Pebrero, ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Asingan.
Lumalabas na majority sa mga ito ay mula sa lumalaking pakikilahok ng kabataan at bagong lehitimong botante sa bayan.
Kamakailan, lumahok ang mga Grade 10 students mula sa Carosucan Norte National High School sa ginanap na satellite voter registration ng COMELEC.
Ayon sa tanggapan, bukas pa rin ang voter registration hanggang Mayo 18, 2026, bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026.
Samantala, inilabas na rin ng lokal na pamahalaan ang opisyal na iskedyul ng eleksyon jung saan nakatakdang buksan ang filing ng Certificates of Candidacy mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, at ang campaign period mula Oktubre 22 hanggang Oktubre 31. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










