Mahigit 900 na barangay sa bansa, ASF-free na

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na ASF-free na ang 923 na barangay sa bansa.

Sa gitna nito ay patuloy pa ring nagsisikap ang mga eksperto upang tapusin ang clinical trial sa bakuna upang pigilan ang pagkalat ng African Swine Fever sa mga baboy.

Imumungkahi rin ng DA ang malawakang pagbabakuna nito sa buong bansa.


Matatandaang sinabi ni DA Secretary William Dar na lalabas na sa katapusan ng Hunyo ang second phase ng trial ng bakuna kontra ASF na gawa sa Thailand.

Facebook Comments