Homecourt advantage ng Boston Celtics, nakatulong para magwagi kontra sa Golden State Warriors sa Game 3 ng NBA Finals

57

Umabante na ang Boston Celtics sa standing na 2-1 para sa Best-of-7 ng NBA Finals kontra sa Golden State Warriors.

Nagtapos ang laban sa score na 116-100 na ginanap sa homecourt ng Boston Celtics sa TD Garden, pinangunahan ng Big-3 ng Boston ang laban para makuha ang ikalawang panalo sa Golden State Warriors (GSW).

Nagtala sina Jaylen Brown ng 29 points at 9 rebounds at all-star player na si Jayson Tatum na may 26 points, 6 rebounds habang nakapag-ambag naman ang ‘Defensive Player of the Year’ na si Marcus Smart ng 24 points at 7 rebounds.


Samantala nanguna naman ang ‘Splash brothers’ ng GSW para sa kanilang koponan na sina Stephen Curry na may 31 points at Klay Thompson na may 25 points, ang Game 4 ng NBA Finals ay gaganapin naman sa June 11, Huwebes at mananatili sa homecourt ng Boston Celtics.

Facebook Comments