Mahigit 9,000 high value target, nadakip ng PDEA

Mahigit 9,000 high value target ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa gitna ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa datos ng PDEA, kabuuang 168,525 na anti-illegal drugs operation na ang kanilang naikasa mula July 1, 2016 hanggang May 31, 2020.

Sa mga nasabing operasyon, 245,135 na mga drug suspect ang naaresto kabilang ang 9,350 high value target.


Habang 5,722 suspected drug individuals ang napatay sa mga operasyon.

Samantala, sa mga naarestong drug suspect, 376 ay government employees, 320 ay mga elected officials at 90 ay mga uniformed personnel.

Nasa 18,582 barangay naman ang idineklara nang drug-cleared habang nasa 15,388 pa ang nililinis ng mga awtoridad.

Ayon pa sa ulat, aabot na sa 560 drug den at laboratories ang kanilang winasak.

Kabuuang P34.18 billion na halaga ng shabu ang nakumpiska ng pdea.

Facebook Comments