Umaabot na sa 9,539 na mga paaralan sa 58 Division kung saan 3,536 sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region na mga paaralan ang naapektuhan ng lindol base na rin sa nagpapatuloy na damage assessment, ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng Department of Education (DepEd).
Ayon sa DepEd sa naturang bilang, 164 na mga paaralan ang may pinsala sa imprastruktura na karamihan ay mga bitak sa gusali, bumagsak na bubong at nasirang kisame.
Paliwanag ng DepEd na dahil sa mga dumagdag na pinsala, aabot na sa P940 milyon ang halaga na kakailanganin sa pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga silid-aralan na lubusan at bahagyang nasira sa lindol.
Kaugnay nito ang DepEd ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang DRRMS sa field DRRM Coordinators para makakuha ng pinakahuling update sa bilang ng mga apektadong mag-aaral, guro, at Non-Teaching Personnel.