Umabot na sa mahigit 9,300 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang nakatanggap na ng unang booster shot kontra COVID-19.
Iyan ang sinabi ni Doctor Henry Fabro ng Bureau of Correction Health Service.
Pero ayon kay Fabro, 32% pa lamang iyan ng kabuuang populasyon sa NBP na nasa mahigit 28,000.
Aniya, sa ngayon kasi ay wala pa silang suplay na natatanggap mula sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa.
May ilan ding bilanggo na naturukan ng 2nd dose ang naghihintay pa ng interval para mabakunahan ng booster shot.
Batay sa datos ng mga nakatanggap ng booster, pinakamarami ang nasa medium security compound na umabot sa mahigit 7,300.
Sinundan iyan ng minimum security compound na mayroong mahigit 1,200, habang wala pang natuturukan ng booster sa maximum-security compound.