Mahigit 90K pamilya naapektuhan ng bagyong Tisoy

Umabot sa mahigit 90,000 pamilya o mahigit 362,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Tisoy matapos itong manalasa sa Regions 3, 5, at Region 8.

Batay ito sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa bilang ng mga pamilyang apektado ng bagyo, mahigit 86,000 families ay nakatuloy ngayon sa mga evacuation centers habang mahigit 4,000 families ay nakikituloy sa kanilang mga kaanak.


Nadagdagan din ang bilang ng mga bahay na nasira ng bagyong Tisoy na ngayon ay umaabot na sa 28 na kabayahan, 15 ay totally damaged habang 13 ay partially damaged.

198 na lugar naman ang nawalan ng supply na kuryente sa Regions 5, 8, CAR at CALABARZON.

Sa ngayon patuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Tisoy.

Facebook Comments