Inirerekomenda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtatanggal sa 93,600 na indibidwal mula sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez, sumailalim sa revalidation process ang mga naturang indibidwal at napatunayang “non-poor” o nakalagpas na sa poorest of the poor status.
Una nito, 187,000 na indibidwal na ang natanggal sa listahan ng benepisyaryo ng naturang programa.
Kabilang rito ang mga nakalagpas na sa “natural nutrition” o wala ng mga batang miyembro ng pamilya, nakapitong taon na sa pagiging benepisyaryo, at umangat na ang estado ng pamumuhay.
Facebook Comments