Estado ng COVID sa NCR, stable ayon sa DOH

45

Tiniyak ni Dr. Kezia Lorraine Rosario ng Department of Health (DOH) – Metro Manila Center for Health Development na stable pa sa ngayon ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Rosario, bagama’t may reports ng pagtaas ng kaso ng COVID sa NCR ay patuloy ang kanilang monitoring para mabilis na makatugon.

Nilinaw rin ng opisyal na hindi naman alarming ang sitwasyon sa NCR.


Una nang iniulat ng OCTA Research Group na tumaas ang positivity rate sa Metro Manila ngayong linggo kumpara sa mga nakaraang linggo.

Facebook Comments