Ilagan, Isabela- Nasa mahigit anim na raang scholars ang magtatapos ngayong sabado, Hunyo 30, 2018 na kumuha ng mga Vocational courses sa ilalim ng TESDA.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong Paul Bacungan, ang City Information Officer ng City of Ilagan kung saan pinakamarami umano sa mga magtatapos ngayon ay mga kumuha ng kursong Healthcare Services NC 2 na sinusundan ng kursong Motorcycle and Small Engine Services, cookery and baking processes, caregiving, massage therapy at marami pang iba.
Isa umano sa mga proyekto at prayoridad ng kanilang punong Lungsod na si Mudz Diaz ang mabigyan ng libre at sapat na edukasyon ang mga Ilagueno.
Ayon pa kay ginoong Bacungan na maaaring magtrabaho sa mga Barangay Health Centers ang mga nakapagtapos sa Health and Services at maaari din umanong self-employment ang gagawin ng mga nakapagtapos sa Cookery and Baking Procecess.
Bukod pa rito ay magkakaroon din umano ng Job Fair ang PESO Office para sa iba pang mga scholars na nakapagtapos ng ibang Vocational Course.