Mahigit Animnapung Magsasaka ng Tabako, Nabigyan ng Ayuda mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan!

*Cauayan City, Isabela- *Nasa mahigit animnapung magsasaka ng tabako ang nabigyan na ng ayuda mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan sa pangunguna ni City Mayor Bernard Dy at City Agricuturist Rufino Arcega.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay City Agriculturist Rufino Arcega, una nang nabigyan ng tig-sampung libong pisong incentives ang bawat tobacco farmers subalit dinagdagan pa ito ng sampung libong piso ng alkalde upang mahikayat ang iba pang mamamayan na magtanim na rin ng tabako.

Aniya, wala pa umanong limang porsyento ang bilang ng mga tobacco farmers sa Lungsod ng Cauayan kaya’t patuloy pa rin ang kanilang paghikayat sa mga Cauayeño na magtanim ng tabako.


Nilinaw naman ni ginoong Arcega na hindi umano galing sa Tobacco Excise Tax ang ibinigay na incentives kundi galing umano mismo sa Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan.

Facebook Comments