MAHIGIT DALAWAMPUNG LGU’S SA PANGASINAN, NASA CRITICAL ZONE NA AYON SA PROVINCIAL IATF

Umabot na sa mahigit dalawampung munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan ang itinuturing na nasa critical zone dahil sa naitatalang matataas na kaso ng mga ito sa COVID-19.

Ayon sa Provincial Legal Officer ng Pangasinan na si Atty. Geraldine Baniqued, sinabi nitong lumampas na sa kalahati mula sa 48 bayan at lungsod sa lalawigan ang nakakapagtala ng arawang matataas aktibong kaso ng sakit.

Naabot narin umano ang 25 porsyentong ng mga barangay sa bawat lokalidad na may clustering ng COVID-19 cases.


Paalala naman ni Baniqued sa mga LGU’s na nasa critical zone dapat umanong magpatupad ng mas mahigpit na patakaran at magkaroon ng No Movement Day para sa gagawing disinfection at decontamination sa mga critical areas gaya ng mga palengke, malls, kainan, simbahan at iba pa.

Dagdag pa niya, napapanahon muli ang pagpapatupad sa Market Schedule ng bawat bayan.

Facebook Comments