Ipinasara ng lokal na pamahalaang bayan ng Bayambang ang mahigit dalawampung stall o mga pwesto matapos ang isinagawa ang “Oplan Kandado” sa bayan.
Ipinatupad ang pagpapasara sa kabuuang dalawampu’t-anim (26) na stalls o pwesto dahil sa matagal na umanong hindi nakakapag-bayad ng renta sa pwesto.
Sa tulong ng mga awtoridad gaya na lamang ng mga kawani mula sa Special Economic Enterprise, Market Office, PNP, Engineering, Treasury, BFP, Bayambang Public Safety Office at ilang barangay officials ng Zone 1 ay kanilang ipinasara ang mga nabanggit na bilang ng pwesto sa bayan na nagrerenta sa bahagi ng Bayambang Commercial Strip, Public Market Block 2 at Public Market Block 3.
Ang kautusan sa ilalim ng umiiral na Market at Revenue Code kung saan ang sinumang hindi makapag-bayad ng renta sa unang sampung araw tuwing buwan ay awtomatikong mawawalan ng karapatang gamitin sa nirerentahang pwesto.
Nanawagan naman ang LGU na sa lahat ng mga negosyante na nangungupahan sa bayan ay tungkulin nilang bayaran ang market fees alinsunod sa mga patakaran ng LGU.
Ipinaliwanag naman ng LGU na ang dahilan ng kanilang pagbabayad ay upang patuloy na magkaroon ng asenso at sa pagpapaganda ng kanilang munisipalidad. |ifmnews
Facebook Comments