NUMBER 1 MOST WANTED PERSON SA DAGUPAN CITY, ARESTADO NA

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang number 1 most wanted person sa lungsod ng Dagupan.
Ang akusado ay nakilalang si Jojo Guismundo, residente ng Brgy Calmay, lungsod ng Dagupan.
Inaresto ito pasado alas siyete ng gabi sa tahanan nito sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 6 counts of statutory rape.
Walang piyansang inirekomenda ang korte sa akusado na ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan at hinihintay ang order ng korte para sa tamang disposisyon sa nasabing akusado.
Facebook Comments