Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng mahigit P2 bilyong pondo para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ay inilaan sa health insurance premium subsidy ng indigent member sa January hanggang December 2022 o final billing period.
Nasa higit 670,000 na mahihirap na miyembro ang naka-enroll sa ilalim ng national household targeting system for poverty reduction.
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang coverage sa natitirang subsidy para sa health premiums ay suporta rin sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr., (PBBM) na gawing pangkalahatan ang pangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino.
Facebook Comments