DFA Sec. Manalo at Chinese ambassador, personal na nag-usap matapos ang note verbale ng Pilipinas

Nakipagpulong si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa Chinese Embassy.

Ayon kay Manalo, tinalakay sa maiksi nilang pag-uusap ang bilateral cooperation ng Pilipinas at Tsina.

Nagpasalamat naman ang Chinese diplomat sa pakikiramay ni Manalo sa mga mamamayan ng Tsina kaugnay ng pagpanaw ni dating Chinese President Jiang Zemin


Magugunitang kamakailan ay nagpadala ang Pilipinas ng note verbale sa China kaugnay sa insidente malapit sa Pag-Asa Island noong Oktubre kung saan sinasabing sapilitang kinuha ng Chinese Coast Guard mula sa mga tauhan ng Philippine Navy ang lumulutang na rocket debris.

Facebook Comments