Mga Demonstrador, Susugod Ngayong Umaga Sa World Bank Office Sa Taguig

7

TAGUIG CITY – Magsasagawa ng kilos protesta ngayong umaga ang grupong Philippine Movement for Climate Justice (PMJC) sa tanggapan ng World Bank office sa Bonifacio Global City sa Taguig.Layon ng demonstrasyon na kundinahin ang pagsuporta ng World Bank sa coal industry sa Pilipinas.Nababahala ang grupo na tuluyan nang masira ang kalikasan dahil sa pagtangkilik sa uling bilang source ng enerhiya.Una na ring kinalampag ng grupo ang tanggapan ng Department of Energy sa Taguig City dahil sa kahalintulad na usapin.

Facebook Comments