
Naipasa na sa ng Manila International Airport Authority o MIAA sa New NAIA Infra Corp., (NNIC) ang pamamahala sa mga closed-circuit television (CCTV) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kung maalala, labis na ikinadismaya at napamura pa si Department of Transportation o DoTr Sec. Vince Dizon ang hindi pa rin naayos na pamamahala sa mga CCTV sa naturang paliparan matapos manakawan ang isang dayuhang turista o French national ng bagahe na naglalaman ng tatlong mamahaling relo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P15 milyon hanggang P18 milyon sa NAIA Terminal 1 habang nagbu-book ng Grab.
Nagtuturuan kasi noon ang mga opisyal ng MIAA at NNIC kung sino ang dapat na incharge sa mga CCTV.
Dahil dito, nagbigay noong Oktubre si Dizon ng ultimatum ngayong Nobyembre para maipasa ang pamamahala sa mga CCTV.
Sa ngayon, nasa mahigit 2,100 na mga CCTV camera ang naipasa ang pamamahala mula MIAA sa NNIC.









