Mahigit dalawang libong lotto outlets ng PCSO sa Metro Manila, pinasara na ng PNP

Umabot sa mahigit dalawang libong lotto outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pinasara na ng Philippine National Police – National Capital Region (PNP–NCRPO) sa Metro Manila, kahapon.

 

Sa talaan ng PNP–NCRPO, aabot sa 487 lotto outlets ang ipinasara ng Northern Police District (NPD), 300 naman sa Eastern Police District (EPD) habang aabot sa 450 lotto outlets ang pinasara ng Manila Police District  (MPD) at hindi rin nakaligtas ang 562 lotto outlets ang kinandado ng Southern Police District (SPD) ganon din ang 376 na lotto outlet  ang ipinatigil ang operasyon ng Quezon City Police District (QCPD)

 

Ayon kay Pnp–Ncrpo Director Police Major General Guillermo Eleazar na sigurado na sarado na ang lahat ng mga lotto outlets sa buong kalakhang-Maynila bago matapos ang araw ng sabado


 

Dagdag pa ni Chief Eleazar na kanilang mahigpit na binabantayan ang lahat ng mga gaming outlet para masiguro na walang  makakapagbalik-operasyon at lalabag sa utos ng pangulo.

 

Noong biyernes ng gabi, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng lahat ng mga gaming scheme ng PCSO gaya ng lotto, small town lottery, keno kasama na ang peryahan ng bayan matapos matuklasan ang talamak na korapsyon sa ahensya.

Facebook Comments