Lebel ng tubig sa Angat at ilang dams, bahagyang tumaas!

Umangat ng bahagya ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

 

Umabot na sa 162.40 meters ang lebel ng tubig mula sa 161.46 meters.

 

Samantala, nadagdagan rin ang water elevation ng La Mesa Dam na naging 73.93 meters mula sa 73.96 gayundin, ang Ipo Dam na mula sa 100.65 meters ay naging 100.66.


 

Ang patuloy ng pag-angat ay dahil sa sunud-sunod na pag-ulan.

 

Tumaas rin ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga, Magat at Kaliraya Dams.

 

Subalit, sadyang bumaba ang tubig sa San Roque at Pantabangan Dams.

 

 

 

Facebook Comments