Mahigit dalawang milyong piso halaga ng shabu, nasabat ng mga awtoridad sa dalawang suspek na naaresto sa Angono Rizal

Manila, Philippines – Aabot sa dalawang milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng Rizal-PNP sa ikinasang drug buy bust operation sa Angono, Rizal kagabi.

Naaresto sa operasyon sina Margie Ponseca na target ng operasyon at Joseph Patente.

Ayon kay Rizal Provincial Police Office Director P/Sr.SUPT. Albert Ocon, naaresto ang mga suspek matapos ang ikinasang buy bust operation kagabi sa inuupahan nilang apartment sa Brgy. San Isidro na nasa tapat lamang ng Munisipyo ng Angono.


Nakabili umano ang isang police asset ng 1-libong pisong halaga ng shabu kay Ponseca na naging hudyat ng pag-aresto sa target at isang kasama nito.

Nakumpiska mula sa kanila ang buy bust money, 10 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 250 gramo na nagkakahalaga ng halos 2-milyong piso.

Nakakulong na sa Rizal Provincial Police Office ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DZXL558, Silvestre Labay

Facebook Comments