MAHIGIT ISANDAANG HEALTH WORKERS SA PANGASINAN, POSITIBO SA COVID-19

Tinamaan na rin sa nakakahawang sakit na COVID-19 ang nasa mahigit isandaang frontline health workers mula sa lalawigan ng Pangasinan.

Kabuuang 120 healthcare workers o yung mga nagtatrabaho sa mga hospital ang nahawaan na rin ng COVID-19 ayon sa datos ng Provincial Health Office.

Ayon kay Dr. Anna Maria De Guzman, PHO Chief, mayroong apatnapung (40) healthcare workers ang lumabas na positibo sa sakit at kasalukuyang naka-admit sa Hospital kung saan naka-classify ang mga ito na kabilang sa persons with comorbidities at nagpapakita ng moderate symptoms.


Habang, ang walumpong (80) health workers naman ay pawang mga asymptomatic at kasalukuyang nakasailalim sa home isolation at nakakaranas lamang ng mild symptoms.
Ang mga nabanggit na bilang ay nagmula sa labing-apat na hospital sa lalawigan.

Gayunpaman, patuloy naman umanong minomonitor at inoobserbahan ang kalagayan ng mga ito.

Facebook Comments