Mahigit isang bilyong piso, inilaang pondo para sa mga evacuees sa Metro Manila

Manila, Philippines – Aabot sa mahigit isang bilyong piso ang standby funds ng DSWD Central office, national resource operations center para sa mga pamilya nagsilikas sa Metro Manila dahil sa pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Sa ulat ng NDRRMC, sa mahigit isang bilyong pisong inilaan ng DSWD para sa mga apektadong pamilya.

Inilaan nila sa family food packs ang halagang P488, 800 na ipinamimigay na sa mga evacuees na aabot ang halaga sa 169 million, 423 thousand 635 pesos.


Habang mayroon pang naka-standby na food and non food items na nagkakahalaga ng 470, million 726, thousand 901 pesos

May standby fund pa na aabot sa mahigit isang milyong piso, at mahigit isang milyong piso rin ang inilaan sa quick response fund.

Sa ngayon, nasa blue alerts status ang DSWD Central office, habang patuloy na minomonitor ang sitwasyon ng mga evacuees.

Sa huling ulat ng NDRRMC umaabot na sa 180 pamilya o 600 indibdwal ang nagsilikas sa Metro Manila dahil sa pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Facebook Comments