Mahigit isang daang jumping ropes, tinalon ng isang estudyante sa China

Beijing, China* – *Nagpakitang gilas ang isang estudyante sa Zhuang Central Primary School matapos tumalon sa mahigit 100 na jump ropes ng sabay-sabay.

Naging matagumpay si Wang Zhuoxin sa pagtalon sa 110 jump ropes na hawak ng kanyang 55 mga kaklase.

Dahil dito natalo nito ang dating record na 90 jumping ropes ni Mia Lang noong 2010 sa Jiang Bei Ting Tang Primary School.


Facebook Comments