Mahigit isang daang libo na halaga ng droga, nakumpiska sa operasyon ng PDEA 12 sa Koronadal City

Koronadal City, Philippines – Huli ang dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa purok Artesian, Barangay San Roque, Koronadal City, pasado alas 9:00 kagabi.

Kinilala ang isa sa suspek na si Seth Mark Villegas, alyas weng, 33-anyos, jobless at residenteng barangay paraiso nitong lungsod, matapos napumayag na magbenta ng isang sachet ng shabu sa halagang P500.00 sa PDEA agent nanagpakilalang poseur buyer.

Si Villegas ay kabilang sa high value target at miyembro ng drug group naangaktibidad ay nasa Koronadal City at kalapit na bayan.


Habangkinilalanamanangisa pang suspeknasi jay dela cruz, 20–anyos, tricycle driver at residentengpurok santos, barangay zone 3, koronadal city.

Narekober naman kay Dela Cruz ang 3 large sachets at 2small sachets ng shabu na may bigat na 15 gramo at nagkakahalaga P105,000.00, 1 sachet ng dried marijuana leaves nama’y bigat na 5 gramo at mga drug paraphernalia.

Paglabag naman sa section 5, 11 at 12 ng Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampang kaso laban sa mga suspek.

Sa ngayon nakadetine ang mga suspek sa PDEA 12 detention facility.

DZXL558

Facebook Comments