Mahigit isang daang security managers ng mga hotel, casino, malls at resort – nagsasagawa ng coordinating conference matapos ang insidente sa Resorts World

124

Mahigit isang daang mga security managers ng mga hotel, casino, malls at resort ang nagsasagawa ngayon ng coordinating conference sa national headquarters ng PNP.

Ayon kay PNP Supervisory office for security investigation agencies O SOSIA Director, Chief Supt Jose Mario Espino – ang hakbang na ito ay agad na ipinagutos ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa matapos ang nangyaring gulo sa Resorts World Manila na ikinasawi ng 38 katao.


Ipapaliwanag o ipapaalala sa mga security managers na ito ang mga procedures sa paglalatag ng seguridad sa kanilang mga areas of responsibility.

Ire-review rin ng mga ito kasama ang mga tauhan ng PNP SOSIA kung nasusunod pa rin nila ang mga tamang procedures sa pagbibigay ng seguridad.

Posible rin daw talakayin sa coordinating conference ang initial investigation sa naging kapaganapan sa Resorts World at dito nila titingnan kung may dapat baguhin sa mga ipinatutupad na seguridad.

Nilinaw naman ni Espino na tanging administrative sanction lamang ang maaring kaharapin ng security provider ng Resorts World.




Dahil ibang unit na aniya ng PNP ang tutok sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa security agency na NC Lanting Security Specialist.
DZXL558

Facebook Comments