Pagbibigay ng pahayag ni PNP Chief Dela Rosa sa panahong nangyayari ang gulo sa Resorts World, tama lang ayon sa PNP

131

Manila, Philippines – Iginiit ng PNP na hindi iresponsable ang mga pahayag ng pulisya partikular na ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa noong Biyernes sa kasagsagan ng tensyon sa Resorts World Manila.

Ito ay matapos unang sabihin ni Bato na napatay ang gunman matapos manlaban sa mga otoridad at ito ay itsurang banyaga, bagay na napatunayang hindi totoo kalaunan.


Depensa ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionard Carlos, ibinabahagi lang naman ni General Bato ang kanyang mga nakukuhang impormasyon noong mga oras na iyon lalo pa’t nasa ground din ito.

Lahat anya noon ay maituturing na inisyal na impormasyon lamang.

Pero aminado si Carlos na nagsilbing aral sa kanila ang nangyari.

Kaya naman para maiwasan itong maulit, magtatayo na aniya sila sa susunod ng media center para sentralisado ang pagbibigay ng impormasyon.
DZXL558




Facebook Comments