Mahigit Isang Libong Kababaihan sa Echague, Sumayaw sa Paggunita ng International Womens Month!

Echague, Isabela – Sumayaw at nakiisa ang mahigit sa isang libong kababaihan ng Echague, Isabela nitong nakaraang sabado, March 10, 2018 bilang paggunita sa International Womens Month na kaakibat sa One Billion Rising Women sa buong mundo.

Ginanap ang selebrasyon sa Echague grounds na pinangunahan ni Echague SB Member Gretchen Valdez ng Womens Council at Mengal Womens Organization Founder/President Jessica Gallegos Dy.

Nakiisa rin ang UK Coordinator sa One Billion Rising-Global Womens Rossana Abueva, Gabriela Partylist Representatives Arlene Brosas at ang tinaguriang Young Professional Campaining Human Rights Leader Faustino “Inno” Dy.


Sa paraang pagsasayaw ay maipakita sa mundo ang pagkakaisa ng kababaihan laban sa pang-aabuso, pag-sasamantala at karahasan.

Adhikain rin ng nasabing pagsasayaw ng kababaihan na iangat ang karapatan laban sa pang-aapi ng lipunan.

Pagkatapos ng pagsasayaw ay sinundan ito ng isang forum na isinagawa sa isang malaking mall sa Echague kung saan tinalakay ang ibat ibang usapin may kaugnayan sa pang-aabuso at pagsasamantala sa mga kababaihan.

Facebook Comments