PINAKAMAKAPANGYARIHANG LEADER | Term limit ng Presidente sa China, tinanggal

China – Binigyan ng habambuhay na termino bilang Presidente ng China si Xi Jin Ping.

Ito ay matapos ipasa ng National People’s Congress ang pagbabago sa kanilang konstitusyon.

Sa nangyaring botohan, 2,964 ang pumabor para tanggalin ang term limit, dalawa ang tumutol habang tatlo ang nag-abstain.


Sa 2023 sana bababa sa pwesto si Xi bilang ipinatupad sa China ang two-term limit simula noong 1990s.

Dahil dito, itinuturing na si Xi na pinakamakapangyarihang leader sa China tulad ng kanilang dating pinuno na si Mao Zedong.

Facebook Comments