Mahigit isang libong pamilya apektado sa paglusob ng mga armado sa isang barangay sa bayan ng Talitay Maguindanao

Mahigit sa isang libong pamilyang lumikas ang humihingi ngayon ng tulong sa Afp, Pnp at Milf na sila ay maprotektahan makaraang lumusob ang hindi nabatid na bilang ng mga armado sa kanilang barangay sa bayan ng Talitay sa lalawigan ng Maguindanao. Pinagkukuha umano ang kanilang mga alagang hayop at kagamitan sa bahay kabilang ang kanilang ginagamit na generator.
Ayon sa report ay noon pang Sept 4 ,2017 pumasok ang mga armado at dito pinagkukuha ang kanilang gamit kahit mosque ay hindi rin pinatawad dahil kinuha rin ang microphone at amplifier sa loob. Naapektuhan din ang pasok ng mga kabataan at ang pamumuhay ng mga residente .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments