Mahigit isang libong pulis, sinasanay para magsilbing contingent force sa eleksyon

Sinasanay ngayon ang 1,169 na mga miyembro ng Philippine National Police Reactionary Standby Support Force (PNP-RSSF) para magsilbing contingent force sa eleksyon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig. Gen. Rhoderick Augustus Alba, na-recall na kamakailan ang 16,820 uniformed personnel ng PNP na sumasailalim sa career courses at field training program at ideneploy sa election duties.

Sinimulan naman aniyang sanayin ang 1,169 na mga RSSF force para tumulong sa pagbabantay sa seguridad sa eleksyon.


Magtatagal aniya ang training nang hanggang apat na linggo.

Kahapon ay isinagawa ng opening ceremony ng pagsasanay ng mga pulis na ito sa PNP Transformation Oval, Camp Crame, Quezon City na pinangunahan ni PNP Deputy Chief for Operations/Commander Security Task Force NLE 2022 Police Lt. Gen. Ferdinand O Divina.

Facebook Comments