Ginebra, naitabla sa 1-1 ang laban kontra Bolts

35
Photo Courtesy: PBA

Naitabla ng Barangay Ginebra sa 1-1 ang best-of-seven games kontra Meralco Bolts sa score na 99-93 sa PBA Governor’s Cup finals.

Bumida sa Gin Kings ang kanilang import na si Justin Brownlee na nagtala ng 36 points at 13 rebounds.

Nag-ambag naman ng 16 points, 12 rebounds si Scottie Thompson habang nakagawa ng 12 points, 11 rebounds si Christian Standhardinger.


Nasayang naman ang ginawang 31 points at 13 rebounds ni Tony Bishop at ang 24 points career high ni Aaron Black ng Bolts.

Facebook Comments