1,011,800 na public school teachers at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) ang mabibiyayaan ng ₱20,000 Service Recognition Incentive (SRI).
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, malaking tulong ito sa paghahanda ng mga empleyado ng DepEd para sa nalalapit na Kapaskuhan at sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Tiniyak naman ni Angara na nakikipag-ugnayan na siya sa Budget Department para sa maayos na pagpapalabas ng insentibo.
Magugunitang mula sa ₱18,000 na Service Recognition Incentive (SRI), ginawa na ito ng pamahalaan na ₱20,000.
Facebook Comments