Mahigit isang milyong doses, naibakuna na sa mga residente sa Quezon City

Aabot na sa 60% ng target population ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine sa Quezon City.

Katumbas ito ng 1,014,000 doses na naibakuna ng lokal na pamahalaan.

Sa 60% na nabakunahan, 40% na ang nakatanggap ng first dose habang 20% naman ang naka-second dose.


Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nakamit ng lungsod ang higit 1 million na doses na naibakuna dahil na rin sa pagbibigay ng second dose ng COVID-19 vaccine.

Bukod dito, marami na rin sa mga kababayan ang nagnanais na makatanggap na ng bakuna.

Aabot naman sa 1.7 million indibidwal o 80% ng adult population ang target na mabakunahan para sa pagkamit ng herd immunity ng lungsod.

Facebook Comments