Mahigit isang milyong mamamayan ng Hong Kong, nag-rally!

Mahigit isang milyong mamamayan ng Hong Kong ang nagkilos protesta kaugnay sa kontrobersyal na extradition bill.

Umabot sa mahigit pitong oras ang ginawang kilos protesta upang tutulan ang panukalang batas na dadalhin ang mga suspek sa Mainland China para doon isagawa ang pagdinig sa kanilang kaso.

Ipinanawagan din ang pagbibitiw sa pwesto ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam.


Nabatid na ito na ang pinakamalaking demonstrasyon sa Hong Kong simula nang muling bumalik sa China noong 1997.

Facebook Comments