Mahigit isang milyong PhilID’s, tapos nang i-deliver sa buong bansa ng PSA

Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na aabot na sa 1,048,255 Philippine Identification Cards ang nai-deliver na ng PSA sa mga registrants sa buong bansa.

Sa ulat ng PSA, asahan pa umano na madagdagan pa ang bilang ng makakatanggap ng kanilang PhilID sa mga susunod na araw.

Sa panig ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), may 3,036,747 pang PhilID cards ang naipadala na sa Philpost para i-deliver sa marami pang registrants.


Pinapayuhan ng PSA ang publiko na itago ang PhilSys Number at huwag ibahagi sa iba at i-post sa social media.

Facebook Comments