Inirekomenda ni Dr. Alethea de Guzman, Chief ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH) ang pananatili sa paghihigpit sa ports of entry ng bansa.
Sinabi ni De Guzman na ito ay dahil sa lagpas kalahati sa Returning Overseas Filipinos (ROFs) na nagpositibo sa COVID-19 ang nakitaan ng variant of concern.
Sinabi ni De Guzman na simula noong Pebrero ay unti-unti nang tumaas ang mga nagpopositibo sa Alpha, Beta o Delta variants base sa genome sequencing.
Bunga nito, inalerto ni Dr. De Guzman, hindi lamang ang Bureau of Quarantine (BOQ) kundi maging ang mga lokal na pamahalaan.
Facebook Comments