Thursday, March 5, 2026

Mahigit kalahating milyong halaga ng high-grade marijuana na ibabagsak sana sa Cavite, nasabat ng BOC

Aabot sa P756,000 halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa pakikipagtulungan sa ibang ahensiya.

Ayon sa BOC, idineklarang damit pambabae ang mga parcel na naglalaman pala ng mahigit kalahating kilo ng high-grade marijuana o “kush”.

Nagmula umano sa Canada ang shipment na dumating noong nakaraang linggo at ibabagsak sana sa Dasmariñas City sa Cavite.

Nakuha mula sa isinagawang inspeksiyon ang 6 na package na nakabalot sa aluminum foil na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Nahaharap ito sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa Customs, umabot na sa mahigit P22 million halaga ng iligal na droga ang nasabat nila sa Port of Clark mula nang pumasok ang 2026.

Facebook Comments