Sa ikinasang surprised inspeksyon ng mga kawani ng DTI Isabela sa 25 business stablishments sa Lungsod na kibibilangan ng retail and hardware stores ay nakumpiska ng grupo ang nasa kabuuang 1,244 na uncertified motorcycle inner tubes at lead-acid batteries na nagkakahalaga ng 177,554 pesos.
Dalawang establisyimento naman ang naisyuhan ng Notices of Violation dahil sa hindi pagsunod sa Republic Act 4109 o ang Product Standards Law na kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga hindi sertipikadong produkto.
Hindi rin nakaligtas na mabigyan ng Notice of Violation ang isang Service and Repair Enterprise o SRE dahil naman sa hindi pac-comply sa Presidential Decree 1572 o ang SRE Accreditation Law na nirerequire ng DTI.
Dagdag dito, limang SREs din sa bayan ng Echague ang naisyuhan ng Warning Letters dahil rin sa hindi pag-file ng accreditation sa nasabing ahensya.
Ang pag-inspek ng enforcement team na pinangunahan ni Ginoong Elmer Agorto, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI Isabela ay isang hakbang ng ahensya para maprotektahan ang mga konsyumer at maipatupad rin ang fair trade laws sa mga establisyimento.