Manila, Philippines – Bilang paggunita ng dengue awareness month ngayong buwan, aabot sa mahigit 12,000 elementary students sa lungsod ng Maynila ang babakunahan laban sa dengue virus.
Isasagawa ang school-based immunization simula bukas, June 13 hanggang 28 bilang pakikiisa sa dengue prevention program ng Department of Health.
Ayon sa Manila Health Department, sisimulan ang pagbabakuna sa 12,905 grade 6 students mula sa 73 public elementary schools sa Maynila.
Epektibo ang bakunang ito hanggang 10 taon, pagkatapos nito ay bibigyan ng booster shot ang bata.
Nitong 2016, naglaan si city government ng P10 milyong dagdag-pondo sa anim na public hospitals sa lungsod para palakasin ang kakayahan ng mga ito na pigilin ang pagkalat ng dengue at zika virus.
Bukod pa ito sa P600 milyong pondo na kanyang inilabas para sa modernisasyon ng mga ospital.
DZXL558