Mahigit labing-apat na milyong kasambahayan, nasuri na ng DSWD para sa Listahanan 3

Mahigit 14 million household o kasambahayan ang natapos nang rebisahin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito’y katumbas ng 88% mula sa 16.1 milyong kasambahayan na nasuri na.

Bahagi ito ng ikatlong yugto ng assessment ng Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction.


Ang Listahanan ay isang sistema para magtatag ng isang database ng mga mahihirap na sambahayan na magsisilbing batayan ng DSWD para sa iba`t ibang mga programa at serbisyo nito.

Kinilala rin ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases bilang isang kritikal na serbisyo ng gobyerno.

Buwan ng Hunyo nitong taon ng ipatigil ang proseso ng pagkolekta ng data, pag-encode, at validation para sa Listahanan 3 dahil sa COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, ilalabas ng DSWD ang listahan ng mga mahihirap na sambahayan upang masuri ng publiko at makumpirma kung tama ang impormasyon na nakalagay rito.

Facebook Comments