Dating player ng UP Fighting Maroons, kasama sa mga naaresto ng PDEA sa isang drug den sa Parañaque City

280
COURTESY: PDEA

Arestado ang dating player ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons na si Kevin Rae Astorga at iba pa niyang kasamahan matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa JEMP Building, BF Homes, Parañaque City.

Kasamang natimbog sa operasyon sina Jericho Tumagan, Karen Vidanes Salvahan at Miguel Carlos Mojares.

Nasamsam sa kanila ang high grade marijuana na kush na may timbang na 150 gramo, ilang sachets na naglalaman ng mga hinihinalang cocaine at mga drug paraphernalia.

Ayon kay PDEA-NCR team head Agent Jill Salamanca, resulta ng ilang buwang surveillance ang pagpositibo ng buy-bust.

Inaalam na ng PDEA kung saan nanggagaling ang high grade marijuana at cocaine na gamit ng grupo.

Facebook Comments