Mahigit limang daang bahay nasira sa naranasang 6.1 magnitude na lindol sa Central Luzon ayon sa NDRRMC

Kabuuang limang daan apatnaput dalawang mga bahay ang nasira matapos maranasan ang 6.1 magnitude na lindol sa ilang lugar sa Central Luzon.

Ito ay batay sa ginawang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC

142 sa mga bilang na ito ay totally damaged habang 400 partially damaged .


Sa Pampanga ang pinakamaraming nasirang bahay na umabot sa 431, 141 dito ay totally damaged.

Umakyat na rin sa 139 na mga structures o building ang naitalang na damaged  sa mga eskwelahan naman umabot sa halagang mahigit 305 Million pesos ang mga nasirang schools.

Sa Region 3 ang maraming na damaged na school, kasunod sa Calabarzon, NCR at Region 1.

Karamihan sa mga schools nagkaroong ng bitak na kailangan ayusin.

Facebook Comments