Basura ng Canada sa Subic Bay Freeport, tiniyak na ligtas sa kalusugan ng mga residente sa lugar

Umaasa ang pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na mareresolba na ng Bureau of Customs ang problema sa sandamakmak na basurang itinambak ng Canada sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni SBMA Chairwoman Wilma Eisma na matagal-tagal na rin ang ginagawang pag-uusap ng BOC sa Gobyerno ng Canada.

Bukod dito, umaasa rin si Eisma na mababayaran ng Canada ang lahat ng mga dapat nitong bayaran gaya ng storage fee at gastos ng SBMA sa pagmimintina sa 66 na container ng basura.


Tiniyak naman ng SBMA na walang epekto sa kalusugan ang mga basura dahil malayo ito sa residential area.

 

Facebook Comments