Cauayan City, Isabela- Nasa mahigit limang daang barangay officials sa buong bansa ang binabantayan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni PDEA National Spokesperson Derek Carreon sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Straight to the Point kaninang umaga.
Ayon kay PDEA Spokeperson Carreon, kabilang sa mahigit limang daang barangay opisyal sa bansa na binabantayan ng PDEA ay nasa dalawang daan at walumpot siyam ang hawak ngayon ng opisina ng pangulo habang nasa dalawang daan at pitumpot anim naman ang nasa Intelligence branch.
Kaugnay nito ay nasa PNP Provincial Directors at Municipal level na ang mga listahan ng mga barangay officals dahil mandato rin umano sa mga kapulisan na tumulong sa paghuli sa mga nasa listahan ng PDEA.
Ayon pa kay ginoong Carreon, trabaho umano nila na arestuhin ang mga personalidad na may kinalaman sa iligal na droga at hindi rin umano nila ito pinipinili kung sila man ay isang ordinaryong mamamayan, miyembro ng local drug groups, miyembro ng International syndicate o mga HVT o High Value Targets.
Mensahe pa ni Spokesperson Carreon sa mga boboto ngayong barangay at SK Eleksyon na kilatising mabuti ang mga iboboto dahil nasa atin umano ang kapangyarihan upang mapigilang mailuklok sa pwesto ang mga taong may kinalaman sa droga kaya’t kanyang hinikaya’t ang bawat botante na huwag nang hayaang umupo sa pwesto ang mga taong may kinalaman sa iligal na droga.