Mahigit limang milyong halaga ng cocaine natagpuan sa Rapu-Rapu, Albay

Panibagong hinihilang cocaine na aabot sa P 5.3 Million pesos na halaga ang natagpuan ng mangingisda sa dalampasigan ng Minaulang Palay, Brgy. Calanaga, Rapu-Rapu, Albay.

 

Ayon kay Police Major Malou Calubaquib, Spokesperson ng Police Regional Office 5, pasado alas 3 ng hapon noong biyernes nakuha ang mga cocaine.

 

Napansin daw kasi ito ng mga mangingisda na sina Adonis Bellen at Alvin Alfonso na kapwa residente sa lugar.


 

Tinatayang 1 kilo ang bigat ng cocaine na agad naman nai-turn over sa mga opisyal ng baranggay.

 

Isinailalim na rin sa laboratory examination ang mga cocaine.

Facebook Comments