VIRAL: Arab employers na tila kapamilya ang turing sa Pinay OFWs

Nag-viral ang video ng isang pamilya sa Saudi Arabia na kasabay kumain sa iisang hapag ang kanilang mga Pinay domestic helper.

Kita sa video na masayang kumakain at nakikisabay sa tawanan ang mga OFW.

Ikinatuwa naman ng netizens ang video na ito na ini-upload sa I Love Natividad sa Facebook.


Ani ng mga nagkomento, bibihira ang ganitong eksena, habang marami naman ang nagpasalamat sa Arab employer sa turing nito sa mga OFW.

Sa kabila ng masasamang balita tungkol sa karanasan ng ibang OFW, nakatutuwa nga naman ang makabasa o makakita ng mga ganitong balita.

Facebook Comments