Umalma ang mga may-ari ng manukan matapos ang pahayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol na papatayin ang halos dalawang daang libong mga manok para matigil na ang pagkalat ng bird flu virus.
Ayon sa mga poultry owners, malaking lugi ito sa kanilang negosyo.
Sagot naman ng kalihim kapag nagmatigas pa ang mga farm owners ay hindi siya magdadalawang-isip na gamitin ang pwersa ng gobyerno kung saan isinasaalang-alang lamang niya ang kaligtasan ng publiko.
Dagdag pa ni Piñol, nakikipag-ugnayan na sila sa mga may-ari ng manukan na babayaran nila ng otsyenta (80) pesos ang kada manok na kanilang papatayin.
Nabatid na tatagal ng halos tatlong araw ang isasagawang pagpatay sa mga manok na posibleng apektado ng virus.
Facebook Comments